ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Department of anomaly and police brutality
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on April 22, 2008 Tuesday late night after Saksi DA: Department of Anomaly? Report by Maki Pulido It was in 2005 when the foul odor of the fertilizer scam was sniffed by the public. Allegations were raised against the Department of Agriculture whose funds amounting to P728 million were said to have been used to bankroll President Arroyo's campaign in the 2004 elections. Years later, the controversy has yet to be resolved when more questionable transactions were discovered. Funds of Quedancor, the department's lending arm, reaching billions of pesos are alleged by the Commission on Audit to be missing. Individuals who were supposed to have received loans did not get any. There were also establishments documented to have received loans but when checked had questionable addresses. What is behind these anomalies some of which have remained unresolved for years? Police! Police! Report by Jiggy Manicad Stories of the police committing mistakes when making arrests is nothing new. Some of these even lead to harassment and police brutality. To address the problem, the Human Rights Affairs Office was formed by the Philippine National Police. However, such cases still persist. It is possible that suspects may be guilty of the crimes they are accused of. But until their guilt is proven, do they have to be treated as if they have already been convicted?
DA: Departamento ng anomalya? Ulat ni Maki Pulido Taong 2005 nang umalingasaw ang baho ng fertilizer scam, isang anomalyang nagbunyag sa umano'y paggamit ng pondo ng Department of Agriculture para sa kampanya noong 2004 presidential elections. Hindi pa man tuluyang nareresolba ang kaso, muling nabalot ng kontrobersya ang ahensya. Ang ugat: bilyong pisong halaga ng pondo na ngayo'y nawawala o hindi na mahanap pa ng Quedancor, ang lending arm ng ahensya. Hindi lang ito ang mga natuklasan. Ayon sa Commission on Audit, ilang transaksyon pa ng departamento ang may bahid ng anomalya. Marami sa mga umano'y pinauutang ng ahensya, nakalista pero hindi naman daw nakatanggap ng pautang. Ang ilang grupo namang umano'y pinautang, hindi mahagilap sa mga address nilang nakatala. Habang humahaba ang listahan ng mga sinasabing kuwestyonableng transakyon ng DA, nakalulula ang mga halagang pinag-uusapan. Ano ang katotohanan sa likod ng mga ibinunyag na anomalya? Pulis! Pulis! Ulat ni Jiggy Manicad Hindi maitatangging ilang beses nang kinakitaan ng pagiging marahas ang ilang alagad ng batas. Sa ibang pagkakataon, hindi man bayolente ang eksena, nakararanas pa rin umano ng paglabag sa kanilang karapatan ang ilang inaaresto. Ang ilang kababaihan o kabataan, sinasabing basta na lang kinakaladkad o puwersahang pinoposasan. Para tugunan ang problema, binuo ng Philippine National Police ang Human Rights Affairs Office. Ngunit hanggang ngayon, buhay pa rin ang problema. Hindi pa man tuluyang napatutunayan sa kanilang kasalanan, mistulang kriminal na ang pagtrato sa mga suspek. Bagama't maaaring may kasalanan nga sila, ganito ba dapat tinatrato ang mga inaaresto?

More Videos
Most Popular