ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Life in Tawi-Tawi
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on April 29, 2008 Tuesday night after Saksi At the tip of the Philippines is Tawi-Tawi, rich in history and rich in natural resources. Comprised of around a hundred islands, it is home to more than 300,000 Filipinos, mostly Moslems. Sadly, Tawi-Tawi is now the country's poorest place according to the latest survey done by the National Statistics Coordination Board. In Calang Island, residents can only dream of receiving basic services. There is no electricity nor is there potable water. Getting sick is almost like waiting to die because there are neither hospitals nor doctors in the island. In Sapa-Sapa Island, life is no better. Residents also experience extreme poverty. It is as if no one has heard of nor cared for the people living in the island. Join Maki Pulido and Jiggy Manicad as they find out how life is like in the poorest place in the Philippines.
Islang matatagpuan sa kadulu-duluhang bahagi ng Pilipinas. Mayaman sa kasaysayan at likas-yaman. Ang magaganda nitong baybayin, nabiyayaan ng bukod tanging yamang-dagat. Ito ang Tawi-Tawi. Binubuo ng humigit-kumulang isandaang isla na tahanan para sa mahigit tatlong daang libong Pilipino. Karamihan sa kanila, Muslim. Nakalulungkot na ang mayamang isla, siya ngayong pinakamahirap na lugar sa bansa ayon sa pinakahuling survey ng National Statistical Coordination Board. Kung gaano kayaman ang lugar, nakapagtataka ang kasalatan nito sa maraming bagay. Sa Isla Calang kung saan mahigit isang libong residente ang nabubuhay, nananatiling pangarap sa mga residente ang pagkakaroon ng mga pangunahing serbisyo. Nangangapa sa dilim ang mga tao sa kawalan ng kuryente at ang kanilang mga lalamunan uhaw sa kawalan ng malinis na tubig. Ang pagkakasakit ay tila katumbas na ng paghihintay kay kamatayan dahil walang ospital o doktor sa isla. Sa Isla Sapa-Sapa, hindi man singdilim ang kapalaran ng mga residente, tila wala pa rin halos pinagkaiba ang kanilang kalagayan. Matinding kahirapan din ang dinaranas ng mga taga-rito. Kung hindi walang serbisyo mula sa pamahalaan, kulang ang mga ito para sa mga residente. Larawan ng kawalan ng maayos na programa at serbisyo ang bumabalot sa lugar. Tila pinagkaitan ng atensyon at pagkalinga. Wala ni anumang bahid ng pag-unlad sa buhay ng mga residente. Sa kanilang paglalakbay sa lalawigan, uugatin nina Maki Pulido at Jiggy Manicad ang mga dahilan kung bakit nasasadlak sa matinding kahirapan ang Tawi-Tawi

Tags: reportersnotebook, tawitawi
More Videos
Most Popular