ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

"Killer Charger" and "A Tanod's Complaint!"


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on March 10, 2011 Thursday after Saksi! KILLER CHARGER? Oras na ma-lowbatt ang cellphone... to the rescue agad ang ating mga charger! Pero sa kaso ng mag-live in partner sa East Rembo, Makati, charger ang umano'y nagdala sa kanila sa kapahamakan. Ito ang kakaibang tawag na natanggap ng Makati Rescue noong linggo ng madaling araw. Isang cellphone charger ang di-umano'y sumabog! Pero laking gulat ng mga rescuers sa inabutan nilang pasyenteng halos maligo sa sarili niyang dugo. Ang kanyang asawa, mas malubha raw at nauna nang naitakbo sa ospital. Sa laki ng pinsala, agad nag-imbestiga ang Explosives and Ordinance Division ng Makati Police. Huwag palampasin ang natuklasan nilang mas malaking pasabog! SUMBONG NG TANOD Kapag may reklamo sa barangay, tanod ang sumbungan ng marami. Pero sa inabutan ng RESCUE sa Novaliches Police Station, sila naman ang naargabyado at humingi ng saklolo! Sinasaway lang daw ng mga tanod ang mag-asawang nag-aaway sa kanilang lugar ng diumano'y bastusin at maliitin sila ng asawang lalaki. Dala ng sobrang kalasingan, nakapagbitiw ito ng masasakit na salita laban sa mga tanod na nais lang tumulong. Buwelta ng mga tanod, kailangan nang turuan ng leksyon ang suspek. Bukod daw kasi sa paulit-ulit na ang pagwawala niyang ito, may sumbong din ang kanyang asawa na sinasaktan din siya ng lalaki. Halos lumuhod ang mga kamag-anak ng suspek para mapatawad siya ng mga naargabyadong tanod. Madala kaya sa pakiusapan ang kaso? Abangan ang mga kuwentong 'yan sa RESCUE kasama si Igan Arnold Clavio. Huwebes ng gabi pagkatapos ng Saksi!