'Rambol' at 'Aksidente sa Bahay'
RESCUE Episode for November 17, 2011 âRAMBOL" Isang away lasing ang nauwi sa rambol ang naganap sa Barangay Addition Hills sa Mandaluyong. Bago pa may masaktang residente sa naganap na batuhan ng bote⦠kumilos agad ang mga tanod para hulihin ang mga sangkot sa riot. Pero ang mga naaresto, todo tangging may kinalaman sila sa gulo! Hindi pa man nareresolba ang kaso, nanganak na agad ito ng panibagong perwisyo! Isang taxi na umiwas sa nagkalat na bubog mula sa rambol, sumalpok sa isang bakod! Alamin ang mga hakbang na gagawin ng barangay para maiwasan ang ganitong mga insidente. âAKSIDENTE SA BAHAY" Ang aksidente, walang pinipiling oras at lugar. Kung minsan, maaari itong mangyari sa loob mismo ng bahay. Tulad na lang ng sinapit ng isang lalaki sa Valenzuela City. Matapos maalimpungatan mula sa mahimbing na pagkakatulog, nahulog siya mula sa ikalawang palapag ng kanilang bahay. Dahil sa nauna ang ulo sa pagbagsak, duguan siyang isinugod ng kanyang misis sa Valenzuela Medical Center. Paano nga ba maging ligtas sa sariling tahanan? Abangan ang mga kuwentong âyan kasama si Igan, Arnold Clavio sa RESCUE! Huwebes ng gabi pagkatapos ng Saksi!