ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Bata, tinangay ng agos ng Bibit Falls sa 'Rescue'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
RESCUE Tinangay ng Agos Airing Date: August 2, 2012   Labing dalawang taong gulang na dalagita ang nalunod sa Bibit Falls sa Antipolo.   Ang simpleng katuwaan ng mga kabarkada na magtungo sa mapanganib na Bibit Falls sa Barangay Mayamot, nauwi sa peligro!   Nagsanib puwersa ang mga miyembro ng Antipolo Rescue at Philippine Coast Guard para mahanap ang biktima.  Subalit sa kasagsagan ng kanilang paghahanap, malakas ang buhos ng ulan at agos ng tubig na bumabagsak mula sa talon. Nahirapan ang mga rescuer sa paghahanap.   Hindi ito ang unang pagkakataon na nakapag-dokumento ang RESCUE ng ganitong insidente sa Bibit Falls.  Sa kabila ng paglalagay ng babala at paulit-ulit na paalala ng mga kawani ng Barangay, nangyayari pa rin ang aksidente.   Samahan si Arnold Clavio sa RESCUE!  Huwebes ng gabi pagkatapos ng Saksi! Sundan ang Rescue sa Facebook at sa Twitter!