ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga Bayani ng Plane Crash sa 'Rescue'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
RESCUE Mga Bayani ng Plane Crash Airing Date: August 23, 2012   Sabado, August 18, nagimbal ang lahat sa balitang nag-crash ang eroplanong sinasakyan nina Interior Secretary Jesse Robredo, ang kanyang aide na si Police Chief Inspector Jun Paolo Abrazado at dalawang pilotong sina Captain Jessup Bahinting at Kshitiz Chand, isang Nepalese National.   Kagagaling lang ni Robredo sa groundbreaking ceremony ng bagong PNP Regional training Center sa Cebu para maging kinatawan ni Pangulong Benigno Aquino III. Dumiretso siya sa Mactan Cebu International Airport pero imbes na sa commercial plane, nagdesisyon siyang sumakay sa Piper Seneca Private Plane na pag-aari ng Aviatour Air.   Bandang alas singko ng hapon, nakatanggap ng distress call ang Masbate Airport mula sa eroplano, pero ilang saglit pa, tuluyan na itong bumagsak sa Masbate Bay.   Sa kabila ng malagim na trahedya, may mga bayaning hindi nag-atubiling tumulong para mahanap ang mga biktima.   Ang aide ni Secretary Robredo na si Abrazado, sinagip ng isang mangingisda matapos makitang palutang lutang. Pero naging kritikal ang sumunod na apat na araw. Hindi pa matagpuan ang kalihim at dalawang pilotong sakay ng eroplano.   Nagsanib puwersa ang Philippine Navy, Philippine Airforce at Philippine Coastguard sa pag-galugad sa dagat ng Masbate. Tinawag itong Task Force Kalihim na tinutukan at binantayan ng mismong pangulo at ni DOTC Secretary Mar Roxas. Tumulong na rin ang mga volunteer divers mula sa Cebu at Malapascua at volunteer technical divers mula sa ibang bansa.   Hanggang noong Martes ng umaga, natuldukan na ang paghihintay. Narekober ng mga diver ang katawan ng kalihim sa eroplano.    Ang makapigil hiningang search and rescue operation maging ang mga kuwento ng kabayanihan sa kabila ng trahedya, tunghayan sa RESCUE kasama si Igan, Arnold Clavio. Huwebes ng gabi pagkatapos ng Saksi! Sundan ang Rescue sa Facebook at sa Twitter!