ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Peligro ng pagmamaneho sa matarik na lugar sa 'Rescue'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
RESCUE Airing Date: December 6, 2012 Ayon sa Baguio City Police Office Traffic Management Bureau, tinatayang isandaang vehicular accidents kada buwan ang kanilang naitatala. Isa sa mga nakikita nilang dahilan—ang pagpalya ng preno ng ilang sasakyan dahil sa makurbada at matatarik na mga kalsada rito.
Isa sa mga hindi malilimutang aksidente rito ang pagkahulog ng isang bus sa bangin na humigit kumulang limampung metro ang lalim. Sa tindi ng aksidente, karamihan sa mga pasahero ay dead on the spot, kabilang na ang isang buntis at ang dinadala niyang sanggol. Naging malaking hamon para sa mga Rescue teams ang pagliligtas sa mga pasahero. Kinailangang iakyat isa-isa ang mga sugatan para malapatan ng paunang lunas at madala sa ospital. Inabot ng mahigit anim na oras ang naging operasyon. Sa paunang imbestigasyon, lumalabas na pumalyang preno ang naging mitsa ng buhay ng mahigit apatnapung katao na nasawi sa aksidente. Pero makalipas ang dalawang taon, nakabinbin pa rin sa korte ang kaso laban sa driver at kumpanya ng bus. Samahan si Arnold Clavio na balikan ang malagim na aksidente at alamin ang mga dapat tandaan para masigurong nasa maayos na kondisyon ang preno ng inyong minamanehong sasakyan. Huwag palampasin ang isa nanamang maaksyong Rescue, Huwebes ng gabi pagkatapos ng Saksi! Sundan ang Rescue sa Facebook at sa Twitter!

More Videos
Most Popular