ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Rescue:' Pagtawid sa pedestrian lane, mapanganib pa rin?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
RESCUE Sagasa Airing Date: January 10, 2013 Mas ligtas ang gumamit ng mga pedestrian lane sa tuwing tumatawid sa kalye. Pero mahalagang maging maingat at mapagmatiyag pa rin dahil may mga pasaway na mga driver.
 
Sa kasamaang palad, kahit sa tamang tawiran dumadaan ang mga tao, nalalagay pa rin sila sa peligro. Tulad na lamang ng sinapit ng isang babae at isang lalaki sa Ortigas Center, Pasig City. Habang tumatawid sila sa pedestrian lane, nahagip sila ng isang delivery van. Sinaklolohan sila ng San Antonio Rescue na siyang nakasasakop sa lugar. Maswerteng nakaligtas sa kapahamakan ang dalawang biktima.
 
Pero hindi lahat ay mapalad na nakaliligtas. Ang isang ginang sa Makati, bibili lang sana ng gamot sa isang drug store malapit sa kanilang bahay pero hindi na nakabalik ng buhay. Nasagasaan siya ng isang truck habang tumatawid sa intersection sa Kalayaan Avenue. Ang masakit pa nito, hindi siya tinulungan ng driver na nakasagasa sa kanya.
 
Paano nga ba magiging mas ligtas ang lansangan, alamin ang dapat gawin kung sakaling malagay sa parehong sitwasyon.  
Samahan si Igan, Arnold Clavio sa RESCUE, ngayong Huwebes ng gabi pagkatapos ng Saksi!