ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Pananakit sa kasintahan, parte ng pagmamahalan?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Rescue! Pag-ibig at Peligro Airing Date: February 14, 2013 Ngayong araw ng mga puso, tinutukan ng Rescue ang ilang kaso ng pagmamahalang nauwi sa karahasan. Mga relasyong nagsimula sa matamis na pagtitingan ngunit humantong sa sakitan. Sa Maynila, isang babae ang binugbog ng kanyang kasintahan gamit ang isang brass knuckle nang tumanggi siyang makipagbalikan. Ang buong pangyayari nakuhanan ng CCTV camera sa kanyang dorm. Hanggang ngayon, katarungan ang sigaw ng dalaga dahil sa sinapit na pananakit. Sa nakalipas na mga taon, naging saksi ang Rescue sa iba pang kaso ng mga biktima na minsan nang umibig at nasaktan. Noong nakaraang taon, nai-dokumento namin ang pagtatalo ng mag-asawa sa Mandaluyong. Dahil sa simpleng pagsaway sa anak, nasuntok ni mister si misis na naging dahilan ng pamamaga ng kanyang mukha. Matapos ang ilang buwan, binalikan ng Rescue ang mag-asawa para kamustahin. Muli bang napatawad ni misis si mister? O tuluyan na itong humantong sa hiwalayan? Pebrero 2011 naman nang isang dalagita ang tinulungan ng mga opisyales ng Baranggay San Jose sa Quezon City. Hinala ng dalagita, siya'y nagdadalang tao subalit hindi na mahagilap ang itinuturo niyang ama ng kanyang dinadala. Binalikan ng Rescue ang dalagita matapos ang kalbaryong kanyang pinagdaanan. Paano niya hinaharap ang pagiging isang batang ina? Ngayong Araw ng mga Puso, saksihan kung paano nauwi sa karahasan ang minsang matamis na pagmamahalan. Alamin din ang mga paraan para ito ay maiwasan. Panoorin ang Rescue ngayong Huwebes ng gabi, pagkatapos ng Saksi!