Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

“Ituloy ang Kasal!” ngayong Lunes sa Stories of Hope


 

STORIES OF HOPE: ITULOY ANG KASAL!
October 11, Lunes ng gabi pagkatapos ng SAKSI

Isa sa pinakamalaki at pinakamahalagang araw sa buhay ng dalawang taong nagmamahalan ang kasal. Todo ang ginagawang paghahanda para gawin itong hindi makalilimutang araw. Pero paano kung ang mismong araw nito, sa halip na kaligayahan, mamayani ang kalungkutan?  

 


 


Kamakailan, nag-viral ang video ng bride na Cherry Pie Satingasin kung saan napaupo na lang siya at humahagulgol matapos ang kanyang kasal. Ang masaya sanang selebrasyon ng pakikipag-isang dibdib sa kabiyak na si Arniel, nauwi sa lungkot at pagkadismaya. Walang dinatnan na wedding reception ang mag-asawa at kanilang mga bisita matapos silang lokohin ng kinuha nilang wedding coordinator.  Marami ang naantig sa kuwentong ito kaya naman nang napanood ng celebrity mom na si Neri Naig-Miranda, siya na ang sumagot sa kanilang bagong wedding reception!

 


 


Disaster naman ang kinahantungan ng kasal nina Jerome at Mary Ann Traballo. Nagmukha raw lamay ang kanilang kasal dahil sa mga inihaing pagkain para sa mga bisita. Bukod pa riyan ay hindi rin nasunod ang mga ipinangako sa kanila ng kinuha rin nilang wedding coordinator. Nagpost sa social media si Mary Ann ng kaniyang masalimuot na karanasan sa kaniyang kasal.

 


 


Hanggang sa isang wedding planner at kaniyang mga kaibigang wedding supplier ang nagtulung-tulong para mabigyan ng panibagong dream wedding ang mag-asawa.

 


 


Tunghayan kung paano hinarap at bumangon ang mga bagong kasal mula sa mga wedding scam sa Stories of Hope ngayong Lunes, October 11, 11:30pm sa GMA 7.