Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

GMA Public Affairs’ award-winning drama anthology ‘Tadhana’ celebrates its 6th-year anniversary this November


 


Tadhana continues to inspire viewers as it marks 6th year

GMA Public Affairs’ award-winning drama anthology Tadhana, hosted by Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, continues to inspire viewers as it celebrates its 6th anniversary with a special three-part episode that starts airing this November 4.

The special episode titled “Secrets” features Sparkle artists Lexi Gonzales and Gil Cuerva, together with Annalyn Barro, Jelai Andres, Ella Cristofani, Ms. Jackie Lou Blanco, and Ms. Jean Garcia.

Marian is grateful and honored to inspire viewers with each episode of Tadhana.

“Yung anim na taon ng Tadhana, hindi siya magiging posible kung hindi rin dahil sa viewers na walang sawang sumusuporta sa programa,” shared Marian.  “At hindi lang manunuod ang naiinspire sa mga kuwento, ako mismo, talagang nai-inspire ako sa mga kuwento ng ating kababayan na kahit mahirap ang buhay, puno ng pagsubok, ay di sumusuko. Sana ay patuloy n’yo kaming samahan tuwing Sabado, at sabay-sabay nating pagtagumpayan ang hamon ng buhay,” she added.
 

“Sa loob ng anim na taon, nanatili pa rin ang mensaheng ipinapaabot ng Tadhana – na sa huli, ang kabutihan ay nakatadhanang masuklian. Kaya naman pinapangako namin na mas marami pang mga kwentong malapit sa puso at kapupulutan ng aral ang ihahandog namin sa inyo,” said Tadhana’s Supervising Producer Carlo Balaquiot.

Since 2017, Tadhana has been championing Filipinos’ triumphs over seemingly insurmountable adversities. The show not only imparts lessons to viewers but inspires them as well.  It comes not as a surprise that Tadhana remains one of the highest rating shows on weekends. It is also one of the country’s most followed TV shows on Facebook, with 9.3 million followers. Each episode is bannered by some of the country’s biggest stars. The award-winning program has recently secured the title of National Winner for Best Single Drama/Telemovie/Anthology Episode at the 2023 Asian Academy Creative Awards in Singapore.

 

Friends turned enemies?

A story about love, friendship, and disguise — the anniversary episode “Secrets” narrates the story of the smart Senior High student Ayen (Lexi) and campus heartthrob Rave (Gil), who develop a mutual like for one another. However, things get complicated in their relationship as the campus bully and Rave’s number 1 fan girl Olivia (Annalyn) and his childhood sweetheart Valerie (Ella) enter the picture.

After some time, Ayen meets Claris (Jelai), a mysterious businesswoman who easily develops a good relationship with her and her mother, Stella (Jean Garcia). Stella and Ayen get to like Claris even more because she tries to protect Ayen from all the bullying she is experiencing at school. But in the end, the true intentions of Claris unfold.

What is the real connection of Claris with Ayen and Rave? What are her true intentions?

Catch Tadhana’s special anniversary episode “Secrets” on November 4, 11, and 18, 3:15 pm on GMA Network, with live streaming on GMA Public Affairs’ social media accounts. Global Pinoys can watch it as well via GMA Pinoy TV.


---

 

Tadhana, 6 na taon na; patuloy sa pagbibigay inspirasyon
 

Anim na taon na ang Tadhana, ang award-winning drama anthology program ng GMA Public Affairs na pinapangunahan ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera. Sa patuloy ng pagbibigay-inspirasyon sa mga manonood, handog ng  programa ang isang three-part special episode na mapapanood simula ngayong Nobyembre 4.

Pinamagatang “Secrets,” tampok sa anniversary special ang Sparkle artists na sina Lexi Gonzales at Gil Cuerva, kasama sina Annalyn Barro, Jelai Andres, Ella Cristofani, Ms. Jackie Lou Blanco, at Ms. Jean Garcia.

Lubos ang pagpapasalamat ni Marian sa patuloy na pagsuporta ng viewers sa Tadhana.

“Yung anim na taon ng Tadhana, hindi siya magiging posible kung hindi rin dahil sa viewers na walang sawang sumusuporta sa programa,” pagbabahagi ni Marian. “At hindi lang manunuod ang naiinspire sa mga kuwento, ako mismo, talagang nai-inspire ako sa mga kuwento ng ating kababayan na kahit mahirap ang buhay, puno ng pagsubok, ay di sumusuko. Sana ay patuloy n’yo kaming samahan tuwing Sabado, at sabay-sabay nating pagtagumpayan ang hamon ng buhay,” saad pa nito.

“Sa loob ng anim na taon, nanatili pa rin ang mensaheng ipinapaabot ng Tadhana – na sa huli, ang kabutihan ay nakatadhanang masuklian. Kaya naman pinapangako namin na mas marami pang mga kwentong malapit sa puso at kapupulutan ng aral ang ihahandog namin sa inyo,” pagbabahagi ni Tadhana Supervising Producer Carlo Balaquiot.

Mula 2017, ipinagdiriwang na ng Tadhana ang kuwento ng tagumpay ng mga Pilipino. Bukod sa mga aral, nagbibigay inpirasyon din ang bawat epsiode sa mga manunuod. Kaya naman hindi nakapagtataka na ang Tadhana ay isa sa highest rating shows tuwing weekend. Online, nananatili itong isa sa mga pinakasinusubaybayang local TV show. May 9.3 milyong followers na ang Tadhana sa Facebook. Bawat episode ay pinagbibidahan ng ilan sa mga pinakamalaking artista sa bansa. Ngayong taon, nagwaging National Winner bilang Best Single Drama/Telemovie/Anthology Episode ang programa sa 2023 Asian Academy Creative Awards sa Singapore.

Isang kuwento ng pag-ibig, pagkakaibigan at pagbabalat-kayo ang tampok sa ika-anim  na anibersaryo ng Tadhana na pinamagatang “Secrets.”

Bagong salta sa eskwelahan ang Senior High student na si Ayen (Lexi). Magkukrus ang landas nila ng campus heartthrob/ rockband leader na si Rave (Gil), na kinahuhumalingan ng mga kababaihan. Agad na magkakagustuhan ang dalawa na ikakagalit ni Olivia (Analyn), ang #1 fan girl ni Rave at number one rin sa pambu-bully ng mga kaklase. Lalong gugulo ang buhay ni Ayen sa pagdating ng childhood sweetheart ni Rave na si Valerie (Ella). Naniniwala si Valerie na sila ni Rave ang itinadhana para sa isa’t isa dahil na rin sa kasunduan ng mga magulang nila.

Isang misteryosang babae ang lilipat malapit sa bahay nina Ayen at ng kanyang ina na si Stella (Jean). Ito ay si Claris Lucas (Jelai), isang negosyante na agad na makakapalagayan ng loob ng mag-ina. Lalong matutuwa sina Stella at Ayen kay Claris nang ipagtanggol nito si Ayen sa mga bullies. Pero ano nga ba ang koneksyon nina Claris kina Rave at Ayen? Ano ang kanyang tunay na pakay?

 

Huwag palampasin ang anniversary special ng Tadhana na “Secrets” ngayong November 4, 11, at 18, 3:15 PM sa GMA Network. May live streaming din ito sa GMA Public Affairs social media accounts. Para sa mga Globay Pinoy, mapapanood ang Tadhana via GMA Pinoy TV.

 

Para sa ibang updates sa Kapuso Network, bisitahin ang www.GMAnetwork.com. #