Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

TAAS: The Atom Araullo Specials: “Ang Nawawala”, this Sunday on GMA Network!


THE ATOM ARAULLO SPECIALS:
ANG NAWAWALA
AIRING DATE: SEPTEMBER 25, 2022
Sunday, 2pm-3:35pm on GMA7

Over the years, cases of missing persons have caught the public’s attention. Many were lucky enough to be found and reunited with their families. But sadly, some have ended up as crime victims while others remain missing. The Atom Araullo Specials looks into the stories of the missing, and the long, often heartbreaking journeys of loved ones still searching.

Six years ago, after following his father outside their house, six-year-old John Carlo mysteriously vanished in Sta. Rosa, Laguna. His family has not seen him since. Whenever his father June Ric heard of any leads about his son, he would rush to verify the information. But all this time, efforts to locate John Carlo have been futile. June Ric had almost given up on seeing his son again. Until a few months ago, when he finally received the message he had long been waiting for.

Just in the nearby town of Calamba, Laguna, a 12-year old boy named Carlo is currently under the care of a government shelter. According to initial reports, the boy was found by barangay officials when he was only 6 years old, the same age when June Ric’s son went missing. After six long years of separation, will John Carlo be finally reunited with his family?

In Manila, Analiza has spent the last 2 months searching tirelessly for her five-year old son, Ren Ren who disappeared on July 15, 2022. Analiza told authorities that her son may have wandered out of their house in Sta Cruz, Manila while she was taking a nap.

When Analiza and barangay officials reviewed the closed circuit television camera (CCTV) footage of the area, Ren Ren was surprisingly caught on camera following an unidentified man. Does the man have anything to do with the disappearance of the child? Will Ren Ren ever be found?

Many missing cases involve children and women. The case of 22-year old Jovelyn Galleno recently hit the headlines. In Puerto Princesa City, Palawan, she was spotted entering a mall for work on August 5, 2022. Based on CCTV footage, she was also captured walking inside the mall at 6:50 p.m. But from this moment on, Jovelyn was

After going missing for 2 days, the body of 15-year-old biker Princess Marie Dumantay was found in a grassy area in Bustos, Bulacan last August 12, 2022. She had bruises and cigarette burns all over her body and was discovered face down.

On December 26, 2021, businessman Jaime Faramil Jr. and car sales agent Rodrigo Dueña left Naga City, Camarines Sur to buy a vehicle in Laguna. But since then, the two became unreachable. The following day, Rodrigo was found dead in Tayabas, Quezon while Jaime has yet to be found.

How are the various cases of missing persons in the country being dealt with by the authorities?

Catch another heart-stopping and relevant documentary on The Atom Araullo Specials this September 25, 2022, Sunday from 2PM-3:35PM on GMA 7.

FILIPINO VERSION

Kada taon, may mga naitatalang kaso ng pagkawala sa bansa. May mga nahahanap, may mga hindi pa nakikita, may ilang nagiging biktima ng krimen.

Anim na taon nang nangungulila si June Ric sa kanyang anak na si John Carlo. Matapos sundan ang ama na lumabas ng bahay, naglahong parang bula ang noo’y anim na taong gulang na si John Carlo sa Sta Rosa, Laguna. Sa loob ng ilang taon, ilang lugar ang pinuntahan ni June Ric sa pag-asang makita ang anak pero siya ay bigo. Halos mawala na raw ang pag-asa niyang muling makapiling si John Carlo. Hanggang nitong nakaraang buwan, isang mensahe ang natanggap ni June Ric. Sa kalapit na bayan ng Calamba, isang nagngangalang Carlo ang kinukupkop ng isang shelter. Natagpuan siya noong siya’y anim na taong gulang, parehong edad noong nawala si John Carlo. Siya na kaya ang nawawalang si John Carlo? Magwawakas na kaya ang ilang taong pangungulila ni June Ric?

Umaga hanggang gabi naman kung mamigay ng flyers at magdikit ng posters ang ina na si Analiza sa pag-asang makita ang kanyang limang taong gulang na anak na si Ren Ren na nawala noong July 15, 2022 sa Sta Cruz, Manila. Nang silipin nina Analiza at barangay ang closed circuit television camera (CCTV) sa lugar, nagulat sila sa kanilang nakita. Ang nawawalang bata, nakitang sumunod sa isang hindi kilalang lalaki. May kinalaman kaya siya sa pagkawala ni Ren Ren? Makita kayang muli ang bata?

Marami sa mga “missing” cases ay mga bata at babae. Kamakailan, naging laman ng mga balita ang ilang kaso ng pagkawala ng ilang kababaihan. Sa Puerto Princesa, Palawan, misteryosong nawala ang dalawampu’t dalawang taong gulang na si Joveyn Gallano. Nahahip ng CCTV si Jovelyn na pumasok sa trabaho sa isang mall. Pero matapos nito, hindi na siya muling nakita ng kanyang pamilya. Kalaunan, kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) ang nakitang “skeletal remains” ni Jovelyn. Samantala, hiniling naman ng pamilya sa National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon sa kaso. Sa Bustos, Bulacan, matapos ang dalawang araw na pagkawala, natagpuan naman ang bangkay ng labinlimang taong gulang na si Princess Marie Dumantay. May mga paso siya ng sigarilyo sa katawan at may bakas ng sakal. May ibang biktima naman na hanggang ngayon, hindi pa rin nakikita. December 26, 2021, nagtungo ng Maynila at Laguna si Jaime Faramil Jr. kasama ang isang ahente ng sasakyan na si Rodrigo Dueña. Matapos nito, hindi na silang muling nakita ng kanilang pamilya. December 30, natagpuan ang bangkay ni Rodrigo sa Quezon. Samantala, wala pa ring nakukuhang sagot ang pamilya ni Jaimel Faramil Jr. kung saan siya napunta.

Paano nga ba tinutugunan ng mga otoridad ang mga kaso ng pagkawala sa bansa?

Abangan ang isa na namang napapanahon at makabuluhang dokumentaryong handog ng The Atom Araullo Specials ngayong September 25, 2022, Linggo, 2PM-3:35PM sa GMA 7.