Dingdong Dantes, makikisaya sa 6th Anniversary ng 'Tonight With Arnold Clavio'

Ngayong Marso ang ika-anim na anibersaryo ng Tonight with Arnold Clavio, sa paghahatid ng kwentuhang hindi lang masaya at makabuluhan kundi puno ng tugtugan at tawanan!
At para gawing espesyal na anniversary episode ng TWAC, makakasama ni igan Arnold Clavio ang first time daddy, at Kapuso Primetime King – walang iba kundi si Dingdong Dantes! Ilang taon na rin ang lumipas mula nang huling bumisita si Dingdong sa programa, kaya naman ngayon, napakarami niyang baong kwento na tiyak, kagigiliwan ng kanyang mga tagahanga!
Una na riyan siyempre, ang eksklusibong munting “interview” ni igan sa unica hija nina Dingdong at asawang si Marian Rivera – ang napaka-cute na si baby Letizia! Kahit nga ilang buwan pa lamang itong si baby Zia, aba’y tila nangungusap nang surpresang mag-phone patch ang mag-ina sa programa. At sa pag-uusap nina Marian at igan sa telepono, ibubuko ni Marian kung ano gaano nga ba kabait na asawa at ama si Dingdong.
Pangalawa naman at hindi lingid sa kaalaman ng lahat, na nagsimula bilang dancer si Dingdong sa grupong Abztract. Pero alam nyo bang mahilig din siya sa rakrakan at napakagaling pang tumugtog? Aba’y hindi palalampasin ni igan ang pagkakataong maka-jamming si Dingdong – hindi lamang sa sayawan kundi pati sa tugtugan! Abangan ang eksklusibong sagupaan nila sa “dance floor” at sa rakrakan!
At sa pamamagitan ng mga inaabangang pakulo ni igan gaya ng “Nasubukan Mo Na Ba?”, mabubuko rin ang ilang mga hindi pa nalalamang kwento tungkol kay Dingdong at tiyak, mapapahagalpak kayo sa katatawa!



Sama na sa masayang interview kay Dingdong sa 6th anniversary episode ng Tonight with Arnold Clavio! Makilahok sa kwentuhan, i-follow ang TWAC sa twitter: @TWACofficial at gamitin ang hashtag na #TWAC!
At para malaman ang mga pangyayari behind the scenes, i-like ang aming facebook: www.facebook.com/tonightwitharnoldclavio