ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Kapuso comediennes, makikisaya sa 'Tonight with Arnold Clavio'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ngayong Miyerkules, katatawanan ang ihahandog ng TWAC kasama ang mga pa-usbong na mga komedyanteng sina Maey Bautista, Divine at Terry Gian.
Si Maey Bautista, nagsimula sa pagiging Segment Producer at Segment Host sa iba’t ibang programa sa GMA News TV gaya ng Ang Pinaka at Day-off, hanggang sa pinasok na rin ang pag-arte sa ilang afternoon soap ng Kapuso Network. Si Divine naman, nagmula sa "theater guild" sa Far Eastern University. Unang lumabas sa isang romantic comedy episode ng Karelasyon, at ngayon, sidekick na ni Eugene Domingo sa programang Dear Uge! Sa internet naman una nakilala si Terry Gian. Nakilala sya sa mga patok na video kung saan ginagaya niya ang mga personalities gaya nina Floyd Mayweather at Beyonce. Sa TV, naging regular co-host naman siya ni Regine Velasquez sa Sarap Diva.
Abangan ang kwelang kwentuhan kasama ang tatlong ito! Panoorin ang surpresang "dating game" kung maglalaban-laban silang tatlo para suyuin ang misteryoso’t matipunong "searcher"!
Huwag magpahuli sa masayang kwentuhan! I-follow ang twac sa twitter at instagram: @twacofficial
Para malaman ang mga pangyayari behind the scenes, i-like ang aming facebook: www.facebook.com/tonightwitharnoldclavio
Tags: pr
More Videos
Most Popular