ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kitkat, Kim Idol at Doray, bibida sa 'Tonight with Arnold Clavio'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 

 
 
Alamin kung bakit tinawag na "Stolen Diva" si Kitkat at maaliw sa mga kakaibang talent ni Kim at pagbibigay-buhay ni Via Antonio sa characters na "Via Bayabas" as "Doray Alaskadora".
 
Sakit ng tiyan sa katatawa rin ang aabutin ninyo sa mga hirit nila na "Bentang-benta". Sa segment na ito, maging si Igan Arnold Clavio ay hindi rin nakaligtas sa pag-se-sales talk para sa isang sorpresang bagay.
 
Sinubok din ang kakayahan ng mga komedyante sa pag-arte na walang script sa patok ding “TWAC-tingan” challenge.
 
Siyempre, sumabak din sila sa pinalevel-up na “Nasubukan n'yo na ba?"
 
Talagang masaya at punong-puno ng good vibes ang darating na Miyerkules sa Tonight with Arnold Clavio, kaya sama na sa kwentuhan mga Igan!
 
Makilahok sa makabuluhan at masayang kwentuhan! I-follow ang TWAC sa twitter: @twacofficial at gamitin ang hashtag na #TWAC6. At para masilip ang mga pangyayari behind the scenes, i-like ang aming facebook: www.facebook.com/tonightwitharnoldclavio