Velma, Nura at Tetay, makikisaya sa 'Tonight with Arnold Clavio!'

May kasabihan na "Laughter is the best medicine." At ngayong Miyerkules, ihahandog ng TWAC hindi lang isa kundi tatlong magagaling na komedyante at impersonator sa bansa, para times three rin ang katatawanan, kulitan at kwentuhan! Humanda na dahil pagugulungin kayo sa katatawa nina DJ Onse alyas Velma o ‘Vilma Santos,’ Teri Onor alyas Nura o ‘Nora Aunor,’ at Divine alyas Tetay o ‘Kris Aquino!’
Naaalala n’yo pa ba ang mga linya sa kanilang mga ‘di-malilimutang pelikula? O ang mga eksenang tumatak at paboritong gayahin ng mga die-hard na tagahanga nila? Tumutok na dahil magpapasiklaban silang tatlo sa panggagaya sa pelikula ng kanilang mga idolo! Abangan ang "I did not kill anybody" ni Superstar Nora Aunor, "Ding, ang bato dali….DARNA!” ni Star for all Seasons Vilma Santos at pasigaw na linya ni Queen of All Media Kris Aquino sa pelikulang Feng Shui, at marami pang iba!
At lingid sa kaalaman ng marami, pangarap ni igan Arnold Clavio ang makapanayam si Kris Aquino, Kaya naman sa kwelang kwentuhan nila ni Tetay, maitatanong na kaya niya ang mga pinapangarap niyang maitanong? Abangan din ang mga kwelang sagot ni Tetay!
Hindi rin nakaligtas ang tatlong komedyante sa tatak TWAC game na "Nasubukan n'yo na ba?" Abangan kung sinu-sino sa kanila ang nakasubok nang magpatawa kahit kagagaling lang sa masakit na hiwalayan. Ilan kaya sa kanila ang nakapagbiro na sa lasing sa loob ng comedy bar? At sino ang hilig mag-uuwi ng pagkain mula sa party na hindi nagpapaalam?
But wait, there’s more! Nakigulo rin sa kanila ang Hollywood actor at cast member ng Game of Thrones na si Conan Stevens, na ngayon ay mapapanood bilang si Vish'ka sa Kapuso primetime seryeng Encantadia.
Tara na’t makilahok sa masayang kwentuhan! I-follow ang TWAC sa twitter: @twacofficial at gamitin ang hashtag na #IconsOnTWAC. At para malaman ang mga pangyayari behind the scenes, i-like ang aming facebook: www.facebook.com/tonightwitharnoldclavio