ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Tsuperhero' stars Derrick Monasterio at Bea Binene, magpapakilig sa 'Tonight with Arnold Clavio'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ngayong Miyerkules sa Tonight with Arnold Clavio, makakasama natin ang Kapuso love team na umaapaw sa kakulitan at tunay na paghanga para sa isa't isa --- sina Derrick Monasterio at Bea Binene!

Patok na patok pero "unexpected" raw ang kanilang pagsasama dahil hindi inaasahan ang pagkakaroon nila ng chemistry sa harap ng camera.
Napatunayan na ang ang success ng kanilang tandem sa mga programang 'Vampire ang Daddy Ko' at 'Hanggang Makita Kang Muli' noon. At ngayon, mapapanood muli ang kanilang love team ng sa pinakabagong fantasy-comedy serye sa GMA, ang 'Tsuperhero.'

Kakaiba nga raw ang love team nina Bea at Derrick o "DerBea" dahil "What you see is what you get." ika nga! Kaya naman sa TWAC, mas mabubuko pa kung ano talaga ang namamagitan sa dalawa! Malalaman rin ang kwento sa likod ng kanilang social media posts!  Masusubok din ang kanilang galing sa traffic at road signs gayung ang role nila sa Tsuperhero ay may kinalaman sa mga pamamasada ng jeep!

Hindi rin makakaligtas sina Derrick at Bea sa TWAC compatibility test kung saan masusubok kung gaano sila kabagay sa isa’t-isa.
At sasagutin din nila nang walang halong “chika” ang mga questions mula sa kanilang mga netizen fans.

Makilahok sa trending at viral na kwentuhan! I-follow ang twac sa twitter: @twacofficial at gamitin ang hashtag na #TsuperheroOnTWAC! At para malaman ang mga pangyayari behind the scenes, i-like ang aming facebook: www.facebook.com/tonightwitharnoldclavio