ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kris Bernal at Rafael Rosell, manghuhula ng impostor sa 'Tonight with Arnold Clavio'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 


Ang mga bida ng bagong GMA Afternoon Prime na Impostora ang makakakwentuhan ni Igan ngayong Miyerkules sa Tonight with Arnold Clavio - sina Kris Bernal at Rafael Rosell.

Ikukwento ng dalawa ang ilang kaabang-abang na tagpo sa naturang teleserye, mula sa pagshu-shoot ng maiinit na eksena, paglalagay ng prosthetics at pagkakaroon ni Kris ng dalawang character na sina Nimfa at Rosette.

At dahil matagal ding nag-break si Kris mula sa regular na paglabas sa telebisyon, isasalang siya sa Insta-Truth, kung saan ibabahagi niya ang kwento sa likod ng mga litratong nagpapakita ng iba niyang pinagkaabalahan off-camera!

Masusubok din ang galing ng lead star ng Impostor sa pagkilatis kung sino ang impostor mula sa tatlong lalaking magpapakilalang single. Mahulaan kaya ni Kris kung sino sa kanila ang tunay na available at kung sino ang taken na?

At sa pamamagitan ng tatak TWAC game na Nasubukan Mo Na Ba?, malalaman naman kung sino kina Kris at Rafael ang nagawa nang magpanggap na may sakit para hindi umiwas sa lakad, magpanggap na nasasarapan sa luto ng iba, walang dalang pera at kung ano-ano pa! Kaya humanda na sa mga kwelang rebelasyon na inyong maririnig!

Tiyak trending at viral na naman ang kwentuhan ngayong Miyerkules ng gabi sa TWAC! I-follow ang TWAC sa twitter: @TWACofficial at gamitin ang hashtag na #ImpostoraOnTWAC. At para malaman ang mga pangyayari behind the scenes, i-like ang aming facebook: www.facebook.com/tonightwitharnoldclavio