ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ai-Ai delas Alas, Barbie Forteza, Gladys Guevarra at Atak, magpapasaya sa 'Tonight with Arnold Clavio'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 


Sa second anniversary ng live comedy musical variety program ng GMA na Sunday Pinasaya, isang month-long celebration ang ihandog nila sa ating mga Kapuso!

Kaya naman ngayong Miyerkules ng gabi sa TWAC, humanda na sa isang mas pinasayang kwentuhan kasama ang apat sa maraming regular cast members ng programa! Pinangungunahan ito ni Comedy Queen Aiai Delas Alas, kasama si Ms. Barbie Forteza at sina Gladys Guevarra at Atak.

Ikukwento nila ang mga nakakatuwang karanasan nila sa linggu-linggong paghahatid ng programang siksik sa aliw at komedya. Ibibida rin nila kung gaano sila talagang kasaya magkakasama sa harap at likod ng camera!

Kaabang-abang ang gagawin nilang impromptu skit. Tiyak na sasakit ang inyong tiyan kakatawa! Sasagutin din nila ang mga tanong sa “Nasubukan Nyo Na Ba?” kung saan malalaman natin kung sino sa cast ang nakakalimot ng linya, nakaranas ng wardrobe malfunction at madalas pagkatuwaan o i-goof time ng mga kapwa artista. Gagawin din sa episode na ito ng TWAC ang Sunday Pinasaya games gaya ng Wika Rambulan at Kantaririt. Manaig kaya ang team nina Aiai at Atak laban sa team nina Barbie at Gladys?

Dobleng katatawanan ang hatid ng pinagsanib-pwersang TWAC at Sunday Pinasaya kaya huwag itong palagpasin!

I-follow ang @twacofficial at gamitin ang hashtag na #SPSonTWAC. At para malaman ang mga pangyayari behind the scenes, i-like ang aming facebook: www.facebook.com/tonightwitharnoldclavio