ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Janine Gutierrez, makikipagkulitan sa 'Tonight with Arnold Clavio'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 

JANINE GUTIERREZ ON TWAC!

Tiyak na mas gaganda ang inyong Wednesday night dahil napaka-charming ng guest ni Igan sa Tonight with Arnold Clavio! Walang iba kundi ang Kapuso actress at TV host na si Janine Gutierrez!

Tungkol daw sa first love ang bago niyang pelikula. Kaya naman sa TWAC, sasabak siya sa isang challenge tungkol sa kanyang mga “first”. Curious ba kayo kung ano ang una niyang dream na na-achieve? Maalala pa kaya ni Janine ang una niyang date, unang crush at unang heartbreak?

Samantala, madalas maging cover ng magazine si Janine dahil sa kanyang angking ganda at galing sa pagmomodelo, kaya naman si Igan, magpapaturo sa kanya mag-pose na talaga naming I-G worthy! Makuha kaya ni Igan ang technique ni Janine sa pag-project?

Sasabak din si Janine sa rampahan! Pero may twist — makakatunggali niya rito ang kanyang co-star sa pelikula na Laura Lehmann, ang World Philippines 2017! Bukod dyan, maglalaban din sila sa make up challenge na kakaiba at kaabang-abang!

At sa tatak-TWAC game na Nasubukan Mo Na Ba, malalaman natin kung ang mga babaeng gaya nila na mala-diyosa ay nakararanas din ng mga gawaing pang-macho!

Panoorin ang masayang kwentuhan nina Igan at Janine ngayong Miyerkules, 10:15 ng gabi sa sa GMA News TV at i-follow ang aming social media accounts.