Kisses Delavin at D’Ninang cast, makikipagkulitan sa ‘TWAC’!

VIRAL KWENTUHAN AT TAWANAN WITH D’NINANG STARS!
January 22, 2020

Siguradong trending at viral ang masayang kwentuhan ngayong Wednesday sa TWAC!
Dahil makakasama ni Igan ang Third Most Tweeted About Account sa social media platform na Twitter Philippines, na si Kisses Delavin!
Kasama niya sa pelikula for the first time ang nag-iisang Comedy Queen na si Ms Aiai delas Alas, at dalawa silang makikisaya sa TWAC!
Ibabahagi ng dalawang aktres ang ilang exciting details sa comedy movie nilang “D’ Ninang” kung saan kakaiba raw ang kanilang mga role.
At dahil magkaiba ang kanilang henerasyon, sasabak sila challenge na Noon at Ngayon! Mahuhulaan kaya ni Kisses ang mga tao at bagay na uso at sikat noong 80’s at si Aiai naman, mahulaan kaya ang ilang terms na pang-millennial?
At para i-level up pa ang saya, pakikiligin din tayo ng tambalang Kelvin Miranda at Angel Guardian na bida rin sa “D' Ninang”.
Magsasalpukan sila sa mga nakakatuwang challenge na Belat Mo, kung saan suot nila ang funny frog masks, at sa cups challenge! Sino kaya sa kanilang apat ang lalabas ang pagka-competitive?
Tumawa at kiligin ngayong Miyerkules sa Tonight with Arnold Clavio, 7:15pm sa GMA News TV!