Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Bahay-bahayan Nauwi sa Totohanan' & 'Survivor of Payumo Massacre'


Episode on July 8, 2011 Friday after Saksi! Bahay-bahayan, Naging Totohanan!
Photobucket
Ayon sa kasabihan, ang pag-aasawa ay hindi parang kaning mainit na kapag napaso ka ay pwede mong iluwa. Kaya't hanggang ngayon, marami pa rin ang hindi nagpapatali sa matrimonya ng kasal dahil sabi nga nila ay kailangang handa ka sa isang pang-habambuhay na relasyon. Pero itong aming mga nakilala, may gatas pa sa labi pero sinuong na ang mundo ng pag-aasawa. Si Kayle Bones at Marife dela Cruz, parehong katorse anyos, at sa murang edad ay nagsasama na sa iisang bahay. Paano nga ba hinaharap nina Kayle at Marife ang hamon ng buhay gayung wala pa sila sa wastong gulang para magsimula ng isang pamilya? Ang buong detalye ng kanilang kuwento sa ulat ni Rhea Santos. Photobucket Para kay Helen Grace Payumo, milagro nang maituturing na nabuhay siya matapos ang malagim na pangyayari sa kanya at sa kanyang pamilya noong September 1995. Limang miyembro ng kanyang pamilya, kasama ang kanyang nanay, dalawang kapatid na babae at kapatid na lalaki ang walang awang pinaslang sa kanilang bahay sa Sta. Rosa. Labing-isang taong gulang pa lamang noon si Helen Grace at tanging siya lamang sa buong pamilya ang nakaligtas sa tinatawag na Payumo Massacre nung dekada nobenta. Ngayon, tapos na ang kaso, nakakulong na ang mga may sala, pero kumusta na kaya si Helen Grace? Paano niya muling hinarap ang buhay, tumayo at muling nakipagsapalaran sa buhay matapos ang gabing hinding-hindi niya malilimutan. Ang kanyang kuwento ngayong gabi sa Tunay Na Buhay.