ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Ang ex-PBA player at ang bawal na pag-ibig ng magkapatid
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Tunay na Buhay (September 2, 2011) Kwento nina Bobby Parks at ng magkapatid na may incestuous relationship ang tampok ngayong Biyernes. 1) BOBBY PARKS (PBA PLAYER / CANCER SURVIVOR) May kanya-kanya nga raw dahilan ang mga tao kung bakit sila nangingibang bansa at isa na nga rito ay para kumita ng mas malaking pera at maayos na buhay. Ngunit malayo sa mga ito ang dahilan ng amerikanong baskebolistang si Bobby Parks na tuluyan nang iniwan ang Amerika para manirahan dito sa Pilipinas. Tubong Tennessee, nakapangasawa siya ng isang Pinay at nagkaroon ng anak. Itinuloy ni Parks dito sa Pilipinas ang kanyang paglalaro sa Philippine Basketball Association kung saan nakasungkit siya ng pitong best import awards na nagdala sa kanyang koponang Shell ng limang kampeonato. Ngunit pagkaraan ng labindalawang taon, tinapos na ni Parks ang kanyang basketball career. Ngunit hindi pa pala tapos ang laban niya dahil may panibagong laban siyang kinaharap, ang kanyang laryngeal cancer. Alamin natin kung paano niya nilabanan ang kanyang pinaka-delikadong laro ng kanyang buhay. Every person has his own reason for going abroad and one of these is to seek greener pastures. But this is not the case for American basketball player Bobby Parks who left the States to live here in the Philippines for good. Born in Tennessee, Bobby got married to a Pinay and started a family here. He continued playing professional basketball in the PBA where he was collected 7 best import awards and 5 championships for his team Shell. After twelve years, Bobby ended his glorious basketball career. But a new battle began with his laryngeal cancer. Find out how he played one-on-one with the most difficult game of his life. 2) INCEST (MAGKAPATID) Sabi nga ng marami, masarap magmahal, lalong-lalo na kung ang iyong minamahal ay higit na pagmamahal ang isinusikli sa iyo. Pero paano nagiging mali ang isang pagmamahalan? Mali kapag ang minamahal mo ay iyong kadugo. Ganito ang sitwasyong kinasasadlakan ng magkapatid na aming nakilala. Kapwa magkadugo pero piniling palawakin ang kanilang pagmamahal sa pamamagitan ng pagsasama bilang mag-asawa at pagkakaroon ng anak. Ano ang nag-udyok sa kanila para ituloy ang maling pagmamahalan ito? Tunghayan ngayong Biyernes sa Tunay Na Buhay. It is sheer joy to love and be loved in return. But how can love be forbidden? When you fall in love with a blood relative. Such was the fate of the couple we have met who turned out to be brothers and sisters. But despite the complications, they have decided to pursue their relationship and live as a couple and raise a child. What consumed them to stand by their âright love at the wrong time and the wrong circumstances?â Find out this Friday on Tunay na Buhay.
More Videos
Most Popular