Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ang Tunay na Buhay ni 'Superstar' Ate Gay


Isa siya sa iilang stand-up comedian na matagumpay na nakatawid mula sa entablado papuntang telebisyon at pelikula. Siya si Ate Gay, o Gil Morales sa tunay na buhay, na nakilala sa kanyang panggagaya sa superstar na si Nora Aunor. Sa kanyang kasikatan natinatamasa, ano pa kaya ang kulang sa kanyang buhay? Papaano kaya siya nagsimula? Marami siyang napasaya na mga manonood, pero ano naman kayang mga bagay ang nagpapasaya at nagpapalungkot sa kanya? Ngayong Sabado, kilalanin pa natin si Ate Gay bilang isang anak, kapatid, kaibigan at performer. Panoorin ang “Tunay na Buhay” ni Ate Gay ngayong Sabado sa ulat ni Rhea Santos. 

Tags: Tunay, Na, Buhay