ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ang Tunay Na Buhay ng isang 'Perya Queen'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Lumaking walang mga kamay, buong buhay ay inaasa na raw niya ang lahat gamit ang kanyang mga paa. Ipinaglihi raw siya ng kaniyang nanay sa mannequin, naranasan ni Susana Borja ang lahat ng pangungutya ng ibang mga tao, pati ng mga sariling kapatid, dahil sa kanyang 'di normal na anyo. 

Susana Borja
Labing-anim na taon siya noon nang magdesisyon na umalis sa puder ng kanyang ina at sumali sa mga nagtatanghal sa perya upang kumita para sa sarili. Bagamat walang mga kamay, nagagawa pa rin niyang kumain, magsulat at maglaba sa pamamagitan ng kanyang mga paa.  Sa perya na rin niya nakilala ang kanyang una at ikalawang asawa, at siya ay nagkaroon ng pitong anak. Halos naging ikalawang tahanan na nga raw niya ito, ngunit hanggang kailan siya mananatili sa perya? Hanggang saan siya kayang dalhin ng kanyang mga paa? Saksihan ang kanyang Tunay na Buhay, ngayong December 15, 10:20 ng gabi sa GMA7. Born and raised with no hands, all her life Susana Borja has learned to do everything using her feet. Some people say that her physical condition was brought about by her mother’s strange liking for mannequins when she was still pregnant with her. She grew up being ridiculed by people, even her family members, because of her physical deformity.
 
When she was sixteen, she decided to leave home and joined a group of ‘perya’ performers to earn a living. Even without hands, she can eat, write and do the laundry— all by herself using her feet!
 
At the perya, she met her first and second husbands with whom she has seven children. It has practically become her second home. But until when will she play the ‘freak act’ in the perya? How far will her feet take her? Find out on ‘Tunay na Buhay’ on December 15, after Wattajob.  
Tags: tunay, na, buhay