ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Tunay na Buhay: Year-ender Special


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

YEAR-ENDER TUNAY NA BUHAY Airing date: December 22, 2012 Sa halos isang taong pakikipagkuwentuhan ninyo sa amin, marami na rin tayong mga kuwentong kinapulutan ng aral at pag-asa mula sa mga ordinaryong tao hanggang sa mga kilalang personalidad na talaga namang tumatak sa ating mga isipan. Sino nga ba naman ang hindi makakalimot sa inspiring love story nina Aling Lourdes at Mang Adriano na sa gitna ng karamdaman ng asawa ay nanatiling totoo ang kanyang pagmamahal dito? Nandiyan din ang mag-inang sina Maribel, 26 years old na kaklase sa grade 1 ang walong taong gulang na anak nitong si Michaela. Siyempre pa, papahuli ba naman si Aling Amy na mayroong bente unong anak at si Mang Bobby na mayroon namang labinlimang kinakasama sa buhay? Minsan na rin tayongpinahanga ni Evelyn na sa timbang na 380 lbs ay pinakita niyang wala sa laki at bigat ng tao ang ikasasaya ng buhay ng isang tao.  

Pero bukod sa kanila, kumurot din sa puso natin ang ilan sa mga kuwento ng celebrity na aming itinampok sa ‘Tunay Na Buhay’. Ilan lang sa mga ito ay ang rags-to-riches na kuwento ng Sexbomb dancer na si Rochelle Pangilinan, Master Chef  Boy Logro at Senator Lito Lapid. Minsan ding binuksan ni Marian Rivera ang kanyang buhay sa atin kasama rin sina Aljur Abrenica, Heart Evangelista at Lovi Poe. Pilit ding sinariwa nina Ara Mina at Snooky Serna ang mapait nilang karanasan tungo sa magandang pagharap sa bagong buhay na mayroon sila ngayon. Lahat ng ‘yan at marami pang iba, isa-isa nating babalikan ngayong Sabado sa natatanging 2012 Year-ender Special ng ‘Tunay Na Buhay’.  

For the past year, we have told and shared stories of ordinary people and known personalities, and derived lessons and hope from them. Who could forget the inspiring love story of Aling Lourdes and Mang Adriano that defied a debilitating sickness? We also remember Maribel who is classmates with her daughter Michaela in grade one; Aling Amy who has 21 children and Mang Bobby who has 15 loves in his life; and 380-pound Evelyn who has found happiness in life despite her weight problem.  

We were also touched by the stories shared by famous celebrities on ‘Tunay na Buhay.’ Among them are the rags to riches stories of Rochelle Pangilinan, Master Chef Boy Logro and Senator Lito Lapid. Marian Rivera, Aljur Abrenica, Heart Evangelista and Lovi Poe also poured their hearts out. Ara Mina and Snooky Serna also looked back at some of the darkest times in their lives that led them to where they are now. Let’s look back at all these stories this Saturday in this 2012 year-ender of ‘Tunay na Buhay.’