Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ang Tunay na Buhay nina Mahal at Kuhol


ANG TUNAY NA BUHAY NINA MAHAL AT KUHOL
Airing date: March 2, 2013


Ang Tunay na Buhay ni Mahal

Sa taas na tatlong talampakan ay malalaking kontrobersya na ang kanyang kinasangkutan. Hindi ma-ikakaila ang iba't-ibang isyung ikinakabit sa kanya lalo na sa makulay niyang buhay pag-ibig kina Jimboy at Mura. Sino nga ba ang hindi nakakakilala kay Mahal o Noemi Tesosero sa totoong buhay? Sa edad na 38, halos kasinlaki lang siya ng walis tingting. Nasabi daw ng kanyang mga magulang na ipinaglihi siya sa duwende dahil siya lang ang may ganitong kalagayan sa kanilang pamilya. Ngayong Sabado, kumustahin natin si Mahal at kung ano na ang kanyang pinagkakaabalan sa buhay matapos niyang pansamantalang iwanan ang showbiz.
 



She’s quite small at 3 feet but she has been through the biggest controversies in her life, among them is her colorful lovelife involving Jimboy and Mura. Who doesn’t know Mahal or Noemi Tesorero in real life? At 38, she’s just as tall as a walis tingting. Her parents told her that she probably took after a dwarf whom her mom was so fond of as she’s the only one in the family born with such a condition. This Saturday, let’s take a peek at Mahal’s life and find out what’s been keeping her busy nowadays.

Ang Tunay na Buhay ni Kuhol

Maliit, may maasim na mukha at madalas nakanguso - ganito na marahil ang imaheng tumatak sa mga manonood sa komedyanteng muli naming nakita. Siya si Philip Supnet o mas kilala ng marami bilang "Kuhol," ang kilalang sidekick ni Mr. Shooli sa palabas na Mongolian Barbeque, at mula noon ay pasulpot-sulpot na siyang lumalabas sa ilang mga pelikula at TV shows hanggang sa tuluyan nang iwanan ang showbiz. Matapos ang  ilang taong malayo sa harap ng camera, kumusta na kaya ang matandang binatang si Kuhol? Alamin ang kanyang mga pinagdaraan at paano niya ito pinagsusumikapang labanan at pagtagumpayan.



People would always remember this comedian as small, sour-faced and with big fat lips. He is Philip Supnet in real life, or more popularly known as "Kuhol," the sidekick of Mr. Shooli in Mongolian Barbeque. He did a few TV shows and movies before finally retiring from showbiz. After being away from the limelight, what has been keeping Kuhol busy? Find out his current struggles in life and how he’s trying to keep his head high.