Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Tunay na Buhay nina Mark at Andy, mga 'Persons with Disabilities'


TUNAY NA BUHAY
Airing date: March 9, 2013


Ang Tunay na Buhay ni Mark Anthony Bergado

Ipinanganak na walang mga braso at kamay si Mark. Bata pa lang ay tampulan na siya ng tukso at pangungutya sa kanilang lugar, ngunit hindi niya ito pinansin at sa halip ay ginamit niya itong inspirasyon para pagbutihin at linangin ang kaniyang kakayahan sa kabila ng kanyang kapansanan. Ngayon, sa edad na 18, isa na siya sa masasabing pinakamagaling na football players ng bansa. Samahan si Rhea Santos na alamin ang naging daan sa tagumpay ng football player na ito at kung paanong sa kabila ng kanyang kalagayan ay nananatiling positibo ang pananaw niya sa buhay.



Mark was born with no arms and hands. Ever since he was a child, he was teased and laughed at by other children but Mark paid no attention to these and instead used it as inspiration to do better and improve his skills despite his limitations. Now at 18, he is considered one of the best football players in the country. Join Rhea Santos as she finds out how Mark walked the road to success as a football player and how he remained positive in life despite his disabilities.

Ang Tunay na Buhay ni Andy Avellana

14 anyos lang si Andy nang malaglag sa bus at naputol ang kaliwang hita sa aksidente. Mula noon, nagbago na ang kanyang buhay. Itinakwil siya ng kanya pamilya, nakipagsapalaran sa Maynila, nakapagtapos ng pag-aaral at muling nangarap. Dahil pursigido, kumatok ang suwerte sa kanyang buhaynang mapabilang siya isang kompetisyon para sa mga PWD o Persons with Disabilities. Mula noon, siya’y naging isang magaling na swimmer, wheelchair racer at high jump athlete ng bansa. Tunghayan ang nakaka-inspire na kuwento ng muling pagtayo at pagbangon ni Andy sa hamon ng kanyang buhay, ngayong Sabado sa Tunay na Buhay.



Andy was only 14 years old when he fell off a bus and his left leg cut off in the accident. From then on, his life changed. He was disowned by his family, lived on his own in Manila, finished his studies and started to dream again. Because of his perseverance, he was able to join a competition for PWD or Persons with Disabilities. He was able to hone his skills and be a competitive swimmer, wheelchair racer and high jump athlete. Find out his inspiring story this Saturday on Tunay na Buhay.