ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Mga Sanggol at Langaw' sa Tunay na Buhay


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MGA SANGGOL AT LANGAW
TUNAY NA BUHAY
Airing date: May 4, 2013

Umaalingasaw, mabaho, at marumi - ‘yan ang sitwasyon ng kapaligiran ng pamilya ni Aling Lourdelisa sa tambakan ng basura sa Tondo, Maynila. Sa ngayon ay lima na ang kanyang anak at madadagdagan pa ito dahil siyam na buwan na siyang buntis. Sa kanyang kalagayan ay dapat nagpapahinga na lang ito dahil anumang oras ay puwede na siyang manganak, subalit nangangalakal pa rin siya ng basura kasama ng kanyang mga musmos na anak at kanyang asawa para mabuhay at may makain. Hindi alintana ang komplikasyon na puwedeng masagap niya at ng munting angel sa kanyang sinapupunan. Ngayong Sabado sa Tunay na Buhay, samahan natin ang batikang dokumentarista na si Kara David na tuklasin ang hirap at katas ng basura sa dumpsite.



Stinking, nasty, foul-smelling — Aling Lourdelisa and her family live in the garbage dumpsite in Tondo, Manila. She already has five children and is about to add one as she is already nine months pregnant. She should be resting as she is about to give birth any moment. Instead, she joins her children and husband in scavenging the mountain of trash for food, not thinking about the dangers she is exposing the little angel in her womb. This Saturday on Tunay na Buhay, join guest host Kara David as she discovers the hardships of living off the garbage in the dumpsite.