Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ang 'Tunay na Buhay' nina Brod Pete at Gary Lising


TUNAY NA BUHAY
Airing Date: July 3, 2013 




Brod Pete
Nagsimula bilang si Herman Salvador na isang writer sa ilang mga kilalang sitcoms noong dekada otsenta hanggang sa makilala bilang si “Isko,” ang masugid na manliligaw ni Shirley sa John en Marsha. At dahil sa kakaibang estilo nya sa pagpapatawa, nakilala naman bilang ang pantas na si “Brod Pete” sa “Ang Dating Doon” ng Bubble Gang noong 1998.



Sa paglipas ng isang dekada, kumusta na kaya ang buhay ng simpleng manunulat na nakilala sa iba’t ibang pangalan sa mundo ng komedya?  Kasama si Rhea Santos, bisitahin natin ang buhay ni Herman “Isko/ Brod Pete" Salvador sa likod ng mga alyas nya sa showbiz dito lamang sa Tunay Na Buhay!



Gary Lising

Kinilala siya ng marami bilang isa sa mga mainstay na artistang sikat nacomedy show noong 80s, Champoy. Sumikat ang kaniyang mga "jokes" sa telebisyon at pelikula, pati na rin sa mga librong binibenta sa bookshops. Kuwela, matalino at masayahing "joker" - 'yan ang komedyanteng si Gary Lising.

 

Nabaliktad ang kaniyang mundo at naubos ang kaniyang mga pinundar nang magkasakit siya sa puso noong 2009. Sinuportahan ng pamilya at mga kaibigan ang kaniyang operasyon at gamot, at tinulungan na makabangong muli. Ngayon, patuloy niyang itinatawid ang kaniyang kondisyon kasama ang kaniyang anak at mga kaibigan.