Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ang 'Tunay na Buhay' ni Dasuri Choi



 
Purong Koreano si Dasuri Choi pero ayon sa kanya, siya ay 100% pusong Pinay.  Nagsimulang sumikat si Dasuri nang siya ay sumali sa contest ng Eat Bulaga na You’re my Foreignay. Katunayan, siya pa nga ang nanalo bilang second runner up.  
 

 
Mahilig daw talagang sumayaw itong si Dasuri.  Sa kagustuhang ipursige ang karerang ito, siya ay naging choreographer at back-up dancer.  Pero ngayong, umaalingawngaw na ang kanyang pangalan sa Philippine television, siya na ang bida sa kanyang mga dance number.  Tinagurian na rin siyang the Dancing Diva. 
 

Ngayong Martes, inihahandog ng Tunay na Buhay ang paglalakbay ni Dasuri mula Korea hanggang Pilipinas at kung paano niya nakilala ang stardom, 4:20pm sa GMA-7.