Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ang 'Tunay na Buhay' ni Miriam Quiambao



 

Naging bukambibig ang pangalang Miriam Quiambao nang siya’y madulas sa Miss Universe beauty pageant noong 1999. Pero sa kaniyang pagbangon at kahanga-hangang ‘grace under pressure’, hindi lamang mga Filipino ang pinahanga niya kundi ang buong mundo. Hinirang siyang 1st runner up nang taong iyon. 
 


 

Pagkatapos noon, pinasok niya ang showbiz kung saan nakagawa siya ng sariling pangalan bilang isa sa mga dependable host ng GMA.  Pero sa rurok ng kanyang kasikatan, iniwan niya ang showbiz para sa pag-ibig. Makalipas ang mahigit dalawang taon ng pagsasama nilang mag-asawa sa ibang bansa, nauwi rin ito sa hiwalayan at itinuturing ni Miriam na isa ito sa pinakamadalim na parte ng kanyang buhay. 
 



Ngayon, nakilalang muli ni Miriam ang Panginoon at muli rin siyang umibig. Isa na siyang inspirational speaker at maybahay ng kanyang kabiyak na manunulat at businessman.

Samahan si Rhea Santos na alamin ang personal na kuwento ni Miriam Quiambao, ngayong Martes, 4:35 PM sa GMA-7!