Balikan ang mga alaala ng komedyanteng si Richie d' Horsie at ng singer na si Gary Ignacio, bukas sa "Tunay na Buhay"

Nitong nakaraang Biyernes lang, pumanaw ang dating komedyanteng si Richie d' Horsie sa edad na 58 taon.
Nakilala siya noong dekada otsenta sa pagiging sidekick nina Tito, Vic and Joey sa mga sitcom at pelikula. Pero sa kanyang pagsikat, nalulong si Richie sa bawal na gamot. Naglabas-pasok siya sa kulungan hanggang sa pagsarhan na siya ng pintuan ng showbiz.
Pero sa huli, nagawa pa rin daw ni Richie na makapagbagong buhay bago siya tuluyang pumanaw.
Ngayong Martes, samahan si Rhea Santos na sariwain ang tunay na buhay ni Richie d' Horsie.
Ang "Tunay na Buhay" ni Gary Ignacio
Sila ang bandang nasa likod ng hit song na “Your Love” na sumikat noong dekada nobenta --- ang Pinoy rock band na Alamid.
Pero alam n'yo bang sila rin pala ang kumanta ng rock version sa theme song ng children's show noon na “Batibot?” At ang kanta nilang “China Eyes”, ginamit naman noon sa sitcom na “Palibhasa Lalake.”
Pero nitong Biyernes lang, pumanaw ang dating bokalista ng Alamid na si Gary Ignacio. Isang taon na pala siyang nakikipag aban sa sakit na cancer hanggang sa mauwi ito sa iba't-ibang komplikasyon.
Ngayong Martes, muling pakinggan ang musika ni Gary Ignacio sa Tunay na Buhay, kasama si Rhea Santos.