Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Joy Viado, nanghihingi ng tulong pinansyal para sa nakatakda niyang operasyon




Nakatakdang sumailalim sa operasyon ang aktres na si Joy Viado upang maisalba ang kaniyang paa na nanganganib na maputol dahil sa sakit na diabetes. Kasalukuyang naka-confine ang komedyante sa charity ward ng Chinese General Hospital.

Sa panayam ni Joy sa “Tunay na Buhay,” humingi siya ng tulong pinansyal upang matugunan ang kaniyang pagpapagamot. Libre umano ang kaniyang gastusin sa ospital, ngunit malaking halaga ang kakailanganin para sa operasyon at mga gamot.
 
 



Sa mga nais magbigay ng tulong, maaaring makipag-ugnayan kay Annette Lucido, kaibigan ni Joy Viado, sa numerong 0922-3131722.

Magsasagawa rin ang mga kaibigan ni Joy sa industriya ng isang fund-raising concert upang makalikom ng pondo para sa kaniya. Ang fund-raising concert ay pinamagatang “Jam for Joy” na gaganapin ngayong ika-31 ng Mayo sa 19 East Bar and Grill Km. sa 19 East Service Road Sucat, Muntinlupa City. Sa mga nais manood at makatulong, mangyaring tumawag sa mga numerong 837-6903 at 0906-2752484 para sa inyong ticket reservations. ---Cherry Colinares/BMS