ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Basketball stars na sina Benjie at Kobe Paras, magbabahagi ng kanilang 'Tunay na Buhay'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ang Tunay na Buhay ni Kobe Paras



Anak ng retiradong basketbolista at kilalang komedyante na si Benjie Paras. Habang ang kapatid na si Andre ay pumasok sa showbiz, siya naman ang pumasok sa larangan ng basketball. Labing-anim na taong gulang pa lang siya nang lumipad siya patungong America upang mag-aral bilang isang basketball scholar. Mula sa pagkakapanalo niya noong nakaraang taon, muli niyang nasungkit ang korona sa FIBA 3x3 u-18 World Champion Slam Dunk. Kilalanin pa ang ‘King of Slam Dunk’ na si Kobe Paras sa ‘Tunay na Buhay.’
 

Ang Tunay na Buhay ni Benjie Paras



Sa taas niyang 6'4", binansagan siyang "Tower of Power" ng PBA. Sa mahusay na abilidad ni Benjie Paras sa paglalaro ng basketball, sabay niyang nasungkit ang "Rookie of the Year" at “MVP of the Year” awards noong 1989. Nadagdagan pa ang mga parangal na ito sa kanyang 15 taon na pagiging bahagi ng PBA. Pinasok din niya ang mundo ng showbiz at kadalasan ay nalilinya siya sa pagpapatawa.

Sa ngayon, isang full-time daddy si Benjie sa kanyang apat na anak. Samahan si Rhea Santos na kumustahin at silipin ang buhay ni Benjie Paras. Ano pa ang mga pangarap na hinahangad niyang makamtan? Lahat ng 'yan sa Tunay na Buhay.