Ang pag-push ng showbiz career ni HBD Girl Patricia Tumulak

Happy na, birthday pa! Ganiyan daw kapag bumati sa’yo si HBD Girl Patricia! Talaga namang isang libo’t isang tuwa ang hatid niya sa mga nanunuod ng “Eat Bulaga!” lalo na sa mga nagdiriwang ng kaarawan dahil sa kaniyang on-air pabati portion. Ngunit paano nga ba siya napadpad sa longest running noontime show sa Philippine TV?
Ang pangarap na maging guro
Noong bata pa lamang si Patricia, pangarap niya maging isang guro. Kaniya namang pinursigi ang mithiing ito noong kumuha siya ng kursong Child Development Education in Special Education sa kolehiyo. Malapit daw kasi sa puso niya ang mga batang may espesyal na pangangailangan.
“Super fulfilling to teach students, what more with special needs, so I want to put up my own school for special education,” kuwento niya.
Ngunit tila iba yata ang nakatadhana para sa HBD Girl. Nito lamang taong 2011, nasungkit niya ang korona bilang Ms. Earth Fire. Taliwas sa isang mahiyain ng Patricia, marami ang nagulat noong tahakin niya ang landas na ito.
“It is super opposite from what I want na simple lang, and that is to become a teacher. Being a beauty queen is a drastic change for me but eventually, I was able to learn na nakakatulong ang pagiging beauty queen for my self esteem,” paliwanag ni Patricia.
Pero hindi naman na raw nakapagtataka ang kapalaran niyang ito sapagkat nasa dugo naman daw talaga ni Patricia ang pagiging isang beauty queen. Ang kaniyang ina kasi na si Mommy Gloria, minsan nang itinanghal na Miss Bacolod noong taong 1977. Siya rin mismo ang nag-udyok kay Patricia na sumali sa mga patimpalak.
Kuwento ni Mommy Gloria, lahat na raw ata ng paraan ay ginawa niya para lamang makumbinse ang anak na sumali sa beauty pageants, ngunit dahil likas na mahiyain si Patricia, hindi siya kumbinsido sa kaniyang kakayanan. Ngunit nang dumarami na ang nag-udyok sa kaniya na sumugal sa mga patimpalak, ‘di nagtagal ay sinubukan niya rin ito.
“Pinilit ko lang ‘yan talaga, ayaw niya, bina-bribe ko ‘yan, pero ayaw pa rin sumali. Hanggang sa pati mga kaibigan ko sinasabihan na siya na sumali na siya, doon lang siya nagkaroon ng guts,” pagbabahagi ni Mommy Gloria.
Ika nga nila, "The rest is history." At dahil na rin sa pasali-sali sa beauty pageants, unti-unting nagkaroon ng kakaibang kumpyansa sa sarili ang dalaga. Pati ang larangan ng pagmomodelo ay pinasok na niya rin.
“Masipag lang ako mag-attend ng castings. Actually hundred times ako nakapag-casting before getting my first commercial,” sabi ni Patricia.
At ang kaniyang biggest break, dumating ng kunin siya ng isang softdrink brand para maging kanilang commercial model. Dito na raw unang tumatak ang kaniyang pangalan at tila unti-unti na siyang nakikilala ng mga tao.
From beauty queen to Dabarkads host

Nagulat na lamang raw si Patricia nang isang araw ay makatanggap siya ng tawag mula sa “Eat Bulaga!” Nangangailangan daw kasi ang programa ng karagdagang host, at siya ang napupusuan ng noontime show. Dito na nagsimula ang konsepto ng HBD Girl!
"Nagsabi sila na kailangan maalala ka ng masa, so gumawa sila ng segment for me na ma-associate ako sa birthday since everyday may birthday. Ayun na, naging HBD Girl na ako."
Sa ngayon, tila tuloy-tuloy na nga ang “pag-push” ng career ni Patricia Tumulak. Kaya naman bukod sa araw-araw nating pagpapabati sa kaniya at sa pinaka-aabangang performance niya sa Bulaga Pa More finals, marami pa raw tayong paka-aabangan kay HBD Girl Patricia ---Kimberlie Refuerzo/BMS, GMA Public Affairs
Mapapanood ang Tunay na Buhay tuwing Martes, 5:20 PM sa GMA. Para sa karagdagang impormasyon sa programa, sundan kami sa Facebook at Twitter. Para naman sa impormasyon tungkol sa mga paborito ninyong Public Affairs program, sundan ang GMA