ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Love story ni Sexbomb Aira Bermudez, tampok sa 'Tunay na Buhay'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ang "Tunay na Buhay" ni  Aira Bermudez


Let's get awww!

Iyan ang pamosong sigaw ng all-girl dance group na Sexbomb. At isa nga sa mga orihinal nilang miyembro --- si Aira Bermudez. Sa pag-alis noon ni Rochelle Pangilinan sa grupo, siya na ang tumayong lider nito. Pero graduate na rin pala si Aira sa pagsasayaw. Noong nakaraang buwan lang kasi, ikinasal siya sa kanyang non-showbiz boyfriend na taga-Australia. Kaya tutok daw muna siya sa buhay may-asawa.

Ngayong Martes, samahan si Rhea Santos sa aming Pre-Valentine episode na alamin ang kuwento ng "Tunay na Buhay" ng Sexbomb Girl na si Aira Bermudez at ang kanyang buhay pag-ibig!

Tags: plug