Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Make-up Artist to the Stars Fanny Serrano, ikukuwento ang kanyang 'Tunay na Buhay'


Ang "Tunay na Buhay" ni Fanny Serrano

Fashion designer. Make-up artist. TV host. Actor. Entrepreneur. Si Fanny Serrano ay isa sa itinuturing na ‘Pioneers of Beauty’ sa Philippine showbiz. 

Noong Setyembre, naging headline siya nang mapabalitang nagka-minor stroke at isinugod sa ospital. Bagamat bahagyang naapektuhan daw ang kaniyang senses at motor skills, unti-unti na siyang lumalakas at gumagaling.

Ngayong Miyerkules, samahan ang guest host na si Susan Enriquez na kumustahin ang nag-iisang ‘TF’ o Tita Fanny Serrano, sa ‘Tunay na Buhay.’

Tags: plug