Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Tunay na Buhay' ni Ken Chan, ibabahagi ngayong Miyerkules!


Ang  "Tunay na Buhay" ni Ken Chan
Airing: February 15, 2017

Isa siya sa mga young star na laging napapanood noon sa ‘Walang Tulugan with the Master Showman.’ Pero nakagawa lamang siya ng pangalan nang masungkit niya ang challenging title role sa ‘Destiny Rose.’ Ngayong taon, isa na siya sa mga tinitiliang bida ng teleseryeng ‘Meant to Be’ kasama si Barbie Forteza.

Siya si Ken Steven Angeles Chan o mas kilala natin bilang Ken Chan.  Kapampangan ang nanay ni Ken at pure Chinese naman ang kanyang tatay. May kaya raw sila dati pero dahil sa pagkakasakit ng kanyang ama ay kinailangan ni Ken na huminto ng pag-aaral at magtrabaho para matulungan ang kaniyang pamilya.

Ngayong Miyerkules, samahan si Rhea Santos na mas kilalanin pa si Ken Chan at ang kaniyang mga pinagdaanan sa ‘Tunay na Buhay.’

Tags: plug