ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'Tunay na Buhay' ni Janine Gutierrez, alamin ngayong Miyerkules
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
"Tunay na Buhay" ni Janine Gutierrez

Napanood natin si Janine Gutierrez bilang Lynette sa remake ng ‘Villa Quintana,’ at ang misteryosang si Rosa sa ‘Dangwa.’ Pero, ang papel niya bilang bulag na si Grace na naghahanap ng katarungan sa newest Afternoon prime series na ‘Legally Blind’ ang pinaka-challenging na role na gagampanan niya. Paano kaya niya pinaghandaan ang maseselang eksena sa teleserye gaya ng much-talked-about niyang rape scene at ilang umaatikabong action scenes?
Kapag hindi busy sa tapings at iba pang showbiz commitments, hilig daw ni Janine na magpa-spa kaya isinama niya rito si Rhea para dito nila pag-usapan ang kaniyang career, family, lovelife at iba pang pinagkakaabalahan sa ngayon. Binigyan din niya si Rhea ng grand tour sa kaniyang sariling condo unit na isa raw sa pinakamahalagang investments niya sa ilang taon niyang pagtatrabaho sa showbiz na ngayon pa lang niya ipapakita sa mga tao.

Ngayong Miyerkules, samahan si Rhea Santos na makipagkuwentuhan sa tinaguriang ‘Philippine Fashion Muse’ na si Janine Gutierrez, sa "Tunay na Buhay."
Tags: plug
More Videos
Most Popular