Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kapuso comedian na si Tetay, ibabahagi ang kanyang 'Tunay na Buhay'


Ang "Tunay na Buhay" ni Tetay

Nagsimula siyang magperform sa mga comedy bars. Pero mas nakilala siya ng marami sa kaniyang nakatutuwang panggagaya sa ‘Queen of All Media’ na si Kris Aquino.

Mula noon, napabilang na siya sa iba’t ibang programa sa telebisyon gaya ng “Poor Senorita” at “Conan, My Beautician” noong 2016, at nitong taon sa top-rating primetime series na “Meant To Be.”

Unti-unti na siyang nakakagawa ng pangalan sa telebisyon nang bigla siyang mawala sa limelight dahil sa isang malubhang karamdaman. Kumusta na kaya siya ngayon?

Ngayong Miyerkules, samahan si Rhea Santos na alamin ang kuwento ng buhay ni Tetay, sa ‘Tunay na Buhay.’