ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Kapuso teen star Mika dela Cruz, ibabahagi ang kanyang ‘Tunay na Buhay’
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Ang "Tunay na Buhay" ni Mika dela Cruz

Lumaki siya sa anino ng nakatatandang kapatid at aktres na si Angelika dela Cruz.
Pero ngayon, unti-unti na rin siyang gumagawa ng sariling pangalan sa showbiz. Noong isang taon lang siya naging ganap na Kapuso at agad naman siyang nabigyan ng iba't-ibang proyekto. Kabilang na ang romantic-comedy series na “Meant to Be” kung saan gumanap siya bilang ang kontrabidang si Mariko.

Pero bago pa nagdalaga on-screen, minsan na rin siyang kinilala bilang Best Child Film Actress para sa pelikulang T2 taong 2010.
Ngayong Miyerkules, samahan si Rhea Santos na alamin ang kuwento ng "Tunay na Buhay" ni Mariko Nicolette Egger o mas kilala sa showbiz bilang si Mika dela Cruz.
Tags: plug
More Videos
Most Popular