'Ika-6 na Utos' star Rich Asuncion, ibabahagi ang kanyang 'Tunay na Buhay
Ang "Tunay na Buhay" ni Rich Asuncion
Bago pa man siya itinanghal na First Princess sa reality artista search na ‘Starstruck: The Next Level’ noong 2007, beterana na siya ng iba’t ibang beauty contests. Kaya naman hindi na nakagugulat na sumali rin siya sa Binibining Pilipinas at pinarangalan na First Runner-Up noong 2009.
Mula noon, napabilang na siya sa maraming programa ng GMA, at ngayon nga ay gumaganap bilang Flor, ang BFF ni Emma na ginagampanan naman ni Sunshine Dizon sa top-rating drama series na ‘Ika-6 na Utos.’
Bukod sa kaniyang mga showbiz commitments, abala rin siya ngayon sa paghahanda para sa nalalapit niyang kasal sa fiancé na rugby player na si Ben Mudie.
Ngayong Miyerkules, samahan si Rhea Santos na alamin ang kuwento ng buhay ng Kapuso actress at bride-to-be na si Rich Asuncion sa ‘Tunay na Buhay.’