ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Laman ng puso ni Mikee Quintos, aalamin sa 'Tunay na Buhay'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Ang "Tunay na Buhay" ni Mikee Quintos
_2018_02_13_12_54_51.jpg)
Una siyang nakilala sa pagganap niya bilang si Sang'gre Lira sa remake ng telefantasyang “Encantadia” taong 2016. Mula noon, sunod-sunod na ang kanyang mga naging proyekto.

Sa kasalukuyan nga, mapapanuod din siya sa drama fantasy series na “Sirkus” at binibigyang boses naman niya ang asong si Siri sa drama crime series na “Sherlock Jr.”
_2018_02_13_12_48_25.jpg)
Pero sa kabila ng pagiging abala sa showbiz, ipinagpapatuloy pa rin niya ang kursong Architecture sa University of Santo Tomas.
_2018_02_13_12_48_58.jpg)
Ano pa nga ba ang hindi alam ng marami tungkol sa young actress na si Mikee Quintos? Samahan si Rhea Santos na alamin ang kuwento ng kanyang "Tunay na Buhay" ngayong Miyerkules, pagkatapos ng Saksi.
More Videos
Most Popular