ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Tunay na Buhay' ng yumaong aktor na si Bernardo Bernardo, babalikan ngayong Miyerkules


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

"Tunay na Buhay" ni Bernardo Bernardo

Itinanghal siyang Best Actor sa Gawad Urian noong 1980 para sa Ishmael Bernal film na "Manila By Night." Noong 2016, nagwagi uli siya bilang Best Supporting Actor para sa "Imbisibol" ni Lawrence Fajardo.  Huli siyang napanood sa mga pelikulang "Hele sa Hiwagang Hapis" ni Lav Diaz, "The Significant Other" ni Joel Lamangan, at ang movie-musical na "Ang Larawan" ni Loy Arcenas noong nakaraang Metro Manila Film Festival 2017.

Pero, ang pinaka-markado niyang papel ay bilang "Steve Carpio," ang kalaban ni Comedy King Dolphy sa sitcom na "Home Along Da Riles."

Noong Huwebes, pumanaw na ang batikang aktor, direktor at theater performer sa edad na 73.

Ngayong Miyerkules, samahan si Rhea Santos na balikan ang kuwento ng buhay ni Bernardo Bernardo sa "Tunay na Buhay."