ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Comedian at performer na si Nar Cabico, ibabahagi ang kanyang 'Tunay na Buhay'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

"Tunay na Buhay" ni Nar Cabico

Una siyang nakilala sa kaniyang nakatutuwang pagganap sa entablado sa mga dulang ‘ZsaZsa Zaturnnah Ze Musikal’ at ‘Kung Paano Ako Naging Leading Lady’.  Mula sa teatro, matagumpay siyang nag-crossover sa telebisyon at napabilang naman sa iba’t ibang programa gaya ng ‘My Love From the Star’ at ‘Superstar Duets’ kung saan tinanghal siyang Grand Champion.

Sa tulong ng kaibigang si Jennylyn Mercado, nai-launch ang kaniyang unang single na ‘Gaga’ na kasama sa soundtrack ng hit TV series na ‘The One That Got Away.’ Noong nakaraang PMPC Star Awards for Movies, pinarangalan naman ang komposisyon niyang ‘Natapos Tayo’ bilang ‘Best Original Movie Theme Song of the Year’ para sa pelikulang ‘All of You’ na ipinalabas noong MMFF 2017.

Ngayong Miyerkules, samahan si Rhea Santos na alamin ang kuwento ng buhay ng multi-talented actor-singer-at composer na si Nar Cabico sa "Tunay na Buhay."