ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Tunay na Buhay' ni Sheryl Cruz, mapapanood ngayong Miyerkules


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

"Tunay na Buhay" ni Sheryl Cruz

Nagsimula siyang mag-artista sa napakamurang edad. Nang magdalaga noong dekada otsenta, namayagpag ang kaniyang career at tinawag pa noong ‘Princess of Philippine Movies.’ Hindi na nakakagulat ‘yon dahil itinuturing siyang ‘showbiz royalty’ – parehong artista ang mga magulang niyang sina Ricky Belmonte at Rosemarie Sonora, at ang kaniyang tiyahin na si Susan Roces ay ‘Queen of Philippine Movies’ at ang tiyuhin namang si Fernando Poe Jr. ang ‘King of Philippine Movies.’  Pero nasa rurok siya ng kaniyang kasikatan nang makilala niya ang napangasawa, lisanin ang showbiz at manirahan sa Amerika. 

Pero makalipas ang ilang taon, nang mauwi sa hiwalayan ang kanilang pagsasama ay lumipad siya patungong Pilipinas at nagbalik-showbiz. Huli siyang napanood sa  ‘Meant to Be’ at ‘Impostora.’ At balik-telebisyon uli siya ngayong Mayo sa ‘My Guitar Princess.’

Ngayong Miyerkules, samahan si Rhea Santos na alamin ang kuwento ng buhay ng batikang aktres na mahigit apat na dekada na sa showbiz… si Sheryl Cruz sa ‘Tunay na Buhay.’

Tags: plug