Businesswoman at aktres na si Glaiza de Castro, kilalanin sa 'Tunay na Buhay'
TUNAY NA BUHAY ni GLAIZA DE CASTRO
_2018_12_21_18_41_45.jpg)
AIRING DATE: FEBRUARY 27, 2019
Sa halos labingwalong taon niya sa showbiz, iba’t ibang roles na ang kaniyang nagampanan bilang bida, kontrabida at pati bida-kontrabida. Tumatak ang kaniyang mga pagganap sa mga TV series gaya ng Grazilda, The Richman’s Daughter, Encantadia at Contessa. Noong nakaraang taon, pinarangalan siya bilang Best Actress sa Martial Law-themed movie na ‘Liway’ na ipinalabas sa Cinemalaya Festival.
_2019_02_27_17_35_54_2.jpg)
Pero alam n’yo bang bukod mga showbiz commitments, abala na rin siya ngayon bilang isang businesswoman? Nagmamay-ari kasi siya ng isang travel agency sa Quezon City at isang hostel-type bed & breakfast place sa Baler.

Ngayong Miyerkules, sa ‘Tunay na Buhay’, samahan si Rhea Santos at kumustahin si Glaiza De Castro, 11:35pm sa GMA 7.