Paalam Amalia at Tony

TUNAY NA BUHAY
STORY: “R.I.P AMALIA FUENTES & TONY MABESA”
AIRING DATE: OCTOBER 9, 2019
Nitong nakaraang linggo lang, dalawa sa itinuturing na haligi ng pelikulang Pilipino ang sumakabilambuhay.
Huling napanuod ang beteranong aktor na si Tony Mabesa sa pelikulang “Rainbow's Sunset” kung saan nakasama pa niya si Eddie Garcia na yumao lang din nitong taon. Sa loob ng pitumpung taon, hindi lang siya gumawa ng pangalan sa industriya ng pelikula kundi maging sa mundo ng teatro. At noon ngang Biyernes, ika-4 ng Oktubre, pumanaw si Tony sa edad na 84.
Sa kanyang angking kagandahan, binansagan noon si Amalia Fuentes bilang “Elizabeth Taylor of the Philippines.” Isa siya sa mga pinasikat noon ng Sampaguita Pictures at sa kasagsagan ng kanyang karera, sampung pelikula ang kanyang ginagawa taon-taon. Pero noong Sabado, ika-lima ng Oktubre, pumanaw na rin si Amalia sa edad na 79.
Samahan si Pia Arcangel na sariwain ang makulay na karera nina Tony Mabesa at Amalia Fuentes, sa mata ng kanilang pamilya at mga taong nagmamahal sa kanila. Tumutok sa Tunay na Buhay ngayong Miyerkules, pagkatapos ng Saksi.
(English)
Just last week, two icons of the Philippine movie industry passed away.
Actor Tony Mabesa last appeared in the movie “Rainbow's Sunset” alongside Eddie Garcia who also died just this year. In his career spanning 70 years, he made a name both in the movie and theater industry. But sadly, just last Friday, October 4, Tony passed away at the age of 84.
Amalia Fuentes was dubbed as the “Elizabeth Taylor of the Philippines.” She rose to fame as one of the stars of Sampaguita Pictures and in her heyday, she appeared in ten films or more every year. But just last Saturday, October 5, Amalia too passed away at the of 79.
Join Pia Arcangel as she takes a look back at the illustrious careers of Tony Mabesa and Amalia Fuentes, through the eyes of their family and loved ones. Watch Tunay na Buhay on Wednesday, after Saksi.