ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

My Dream Guy (Todo na 'to!)


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
"My Dream Guy (Todo na 'to!)"
Written and directed by Adolf Alix Jr.
Starring Rufa Mae Quinto and Fabio Ide

Mula sa mahirap na pamilya si Rebecca Bustamante at ipinangako niya sa sarili na gagawin niya ang lahat maiahon lang ang kaniyang mga magulang at kapatid sa kahirapan. Matinding sipag at tiyaga ang ibinuhos ni Rebecca. Nagsimula siya bilang yaya sa Singapore hanggang makarating sa Canada bilang domestic helper.
Kasabay ng kanyang pagtatrabaho, nag-aral si Rebecca hangang makatanggap ng diploma. Naipatayo niya kalaunan ang sarili niyang kumpanya. Nang naging maayos na ang lahat sa kanyang buhay, naisip niyang may isa pang kulang ---‘yun ay ang pag-ibig.
Tulad ng pagsusumikap sa trabaho at diskarte sa buhay ni Rebecca, ‘yun din ang ginawa niya sa kanyang lovelife. May sariing checklist sa kaniyang dream guy si Rebecca. Ginawa niya ang lahat, pati pag-po-post ng personal ad sa dyaryo makahanap lang ng lalaking magiging "qualified".
Nang makilala ni Rebecca ang gwapong si Richard Mills na nakakumpleto sa lahat ng kanyang “requirements”, hindi na ito pinakawalan ng dalaga. Siya mismo ang nanligaw at humingi ng kamay ng lalaki!

Para sa karagdangang impormasyon tungkol sa Wagas, silip na sa aming Facebook at Twitter account:
https://www.facebook.com/wagastv11
https://twitter.com/wagastv11